Nagsimula ang operasyon ng Central Australian Aboriginal Media Association (CAAMA) noong 1980 at ang unang Aboriginal group na pinaglaanan ng lisensya sa pagsasahimpapawid. Ang mga Aboriginal na tao ng Central Australia ay nagmamay-ari ng CAAMA sa pamamagitan ng isang asosasyong kinokontrol sa ilalim ng Incorporations Act, at ang mga layunin nito ay nakatuon sa panlipunan, kultural at pang-ekonomiyang pagsulong ng mga Aboriginal na mamamayan.
Ito ay may malinaw na mandato na isulong ang kultura ng mga Aboriginal, wika, sayaw, at musika habang bumubuo ng mga benepisyong pang-ekonomiya sa anyo ng pagsasanay, trabaho at pagbuo ng kita. Gumagawa ang CAAMA ng mga produkto ng media na nagbubunga ng pagmamalaki sa kultura ng Aboriginal, habang ipinapaalam at tinuturuan ang mas malawak na komunidad ng kayamanan at pagkakaiba-iba ng mga Aboriginal na mamamayan ng Australia.
Mga Komento (0)